Friday, November 4

Kevin: Dreamboy of California!

Matuturing na laging on the move si Kevin na pinanganak sa Japan, ngunit lumaki sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nakalakihan niya ang kultura ng samu’t-saring mga bansa, tulad ng Germany, Spain, atbp. bago tuluyang manatili sa California, USA ang kanyang pamilya.

 Dahil sa nakasanayang paglipat ng tirahan, pinili ni Kevin na hindi bumuo ng barkada at umasa na lamang sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang na parehong prison guards sa California.

Hindi man nagkaroon ng permanenteng mga kaibigan, nahasa naman ni Kevin ng husto ang kanyang talent sa pagsayaw at pag-perform. Dala ang kanyang killer smile at positive attitude, matupad kaya ni Kevin ang kanyang mga pangarap sa pagpasok sa Bahay ni Kuya?

No comments:

Post a Comment