This is war!
Nag-announce na si Kuya ng panalo sa game 2 ng Pinoy Big Battle. Maging mahigpit ang laban, pero sa huli, House B ang nanalo. Okey na sana, pero apparently, simula pa lang ito ng masasakit na kalooban at matinding labanan.
Sa first part, ng game, clear na green team (House B) ang panalo. Pagdating ng second round, umabot ang last 30 seconds at nagbago ang rules. Kung sa first round, no holds barred, sa second round wala nang attack ang dapat mangyari. Ang problema, hindi narinig ni Rob ang change of rules, at dahil sa violation na ito, void ang second round at panalo na nga ang House B.
Sobrang sama ng loob ni Rob dito, at hindi niya maintindihan kung bakit ganon ang rules ng laro. Parang hindi daw tama na ganon ang nangyari. Si Patrick, tinry na kalmahin ang mga kasamahan by saying na for sure, pinag-aralan ang decision. Let it go, ang advice pa ng iba. Pero may ilang hindi mapakali, particularly Marielle and Yuri. May violation daw kasi ang House B nung first round, pero bakit 'yun, na against sa original na rules, hindi napansin. Favoritism ba ito? Unfair parctices?
Sa kaka-discuss, lahat na nga nainis at feeling nila unfair ang mga nangyari. HInahanap nila ngayon ang sulat ng rules for the activity para daw may kaso sila. Teka, korte ba ito? Tsk, patindi na ng patindi ang labanan!
Source
0 comments:
Post a Comment