PBB UnliDay: Pamuchang PDA(Public Display of Affection) na!
Mukhang may nabubuong loveteam sa loob ng Day House na talagang ikakikilig ng mga viewers. Nang mapili nila Unad, Mark, Steph, Jessica, at Lyn si Seiichi na bumalik sa bahay, hindi matawaran ang saya ng Pinoy Anime simula sa pagkilatis siya kaniya ng selection panel hanggang sa malaman na lilipat na nga siya ulit sa loob. Nasabi kasi ni Seiichi na mas gusto niya sa Day house, sa katunayan, may mga gabing hindi daw siya makatulog nung lumipat sila ni Jaz dahil naiisip niya ang mga dating kasama. And the rest of the House was just as happy when they found out that Seiichi was coming back.
At inamin na rin ni Seiichi na namiss daw talaga niya si Pamu. Na-realize niya ito nung lumipat siya sa kabilang bahay.
"I think I like her, Kuya," Seiichi confessed. At halata talaga ang pagkasabik ni Seiichi kay Pamu dahil madalas nyang niyayakap at minsan ay hinahalikan pa si Pamu. He even confessed to her that while he may like Jaz, he likes Pamu more. Dinagdag pa niya na noong tinanong ng mga Housemates sa kabilang Bahay kung sino ang gusto niya, he was advised to get close to her, talk to her, and then kiss her. Natawa naman si Pamu na mukhang hindi alam kung seseryosohin ang sinasabi ni Seiichi dahil noong una ay ilag pa ito sa kaniya.
Uuuy, Seiichi. Absence makes the heart grow fonder talaga, ano?
0 comments:
Post a Comment