Kim naka move on na sa pagkawala ni Mark!
Mukhang nalampasan na ni Kim ang shock ng pagkawala ni Mark sa bahay dahil sa Forced Eviction, at inaaliw na siya ng mga kaibigan para hindi na siya masyadong malungkot.
Binibiro siya ni Unad na baka pinalabas si Mark dahil maraming project na naghihintay sa kaniya sa labas.
Sabi naman ni Kim na matagal na nilang napag-usapan ni Mark na hindi sila iiyak kung sakaling may my naunang umalis sa kanilang dalawa dahil sa votes o kaya'y dahil sa Voluntary Exit. "Ang problema e hindi namin napag-usapan ang Forced Eviction," ang natatawa niyang sabi. "Isipin mo na lang na naghihintay siya sa labas pagkatapos ng lahat na ito," sabi naman ni Paco. "Sana," pabirong sabi ni Kim. "Ano ka ba, have faith!" admonished Paco. "Nagbibiro lang ako!" sabi ni Kim. "I know he'll be there." Buti naman ngumingiti ka na, Kim. Your Housemates are rooting for you!
0 comments:
Post a Comment