Sunday, December 11

New PBB Unlimited House Rules bared!


Dahil na rin sa mga naging sunod-sunod na violations ng housemates sa dalawang bahay, naglabas si Kuya ng mga bagong patakaran na ipatutupad sa loob ng kanyang bahay.


Una, once marinig ng housemates ang wake-up call, kailangan nilang bumangon agad mula sa pagkakahiga. Ang housemate na hindi babangon 5 minutes after the wake-up call ay maco-consider na nag-commit ng violation.



Pangalawa, ipinagbabawal na ni Kuya ang pagtulog sa bedroom during the daytime. Ang ibang housemates kasi, natutulog sa kani-kanilang mga kama even during the daytime.

Pangatlo, Kuya expects the housemates to observe proper meal times. They will only be given an hour para kumain ng kanilang main meals (almusal, tanghalian, hapunan) at kung hindi pinayagan ni Kuya, hindi na sila maaaring kumain at magluto. Snacks and merienda are allowed, however.

Pang-apat, magiging mahigpit na si Kuya sa overall kalinisan at kaayusan ng bahay. The house must be kept spic and span at all times.

Panghuli, matapos ang shower time, ang bawat housemate ay binibigyan lamang ng 15 minuto upang magbihis at ayusin ang sarili.

Ang sinumang mahuli na sumuway sa mga bagong utos ni Kuya will be charged guilty of violating his rules.

Naku, mukhang mas strict na si Kuya ngayon sa kanyang house rules! Masundan kaya ng mga housemates ang mga bagong patakaran ni Kuya?

1 comments:

Anonymous,  December 29, 2011 at 6:37 PM  

pano po yung teen edition next year.. sa audition palang ba, yung tinatawag na PARTNER ee guardian mo po ba yun or just a partner talaga na willing pumasok din sa house ni kuya?

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP