Sunday, November 13

PBB UnliNight Slater's new task with the 3G's!


Isa itong night of revelations as Kuya uncovered the truth behind some of the housemates' actions the past week.


Unang isinalang si Slater na may secret task na mapaniwala si Joya na may pagtingin sya dito.
Ipinaalam na rin ni Kuya sa Unli-Night Housemates ang tungkol sa naging secret task ni Casey para sa buong linggo kung saan siya ay nagtagumpay. Una ay kay Casey nya lamang ito ipinaalam at sa sobrang tuwa nito ay napaiyak pa siya sa loob ng confession room. Pinatawag ni Kuya kay Casey ang iba nyang nakasama sa paggawa ng pekeng ritual at sinabi sa kanila ang katotohanan sa pagiging emosyonal ni Casey. Weird man ang unang tingin ng housemates kay Casey ay unti-unti naman itong nabago sa pagkakataong nalaman nila ang totoo. Added bonus na rin dito ang prize na kanilang nakuha- ang P7,500 na budget para sa pagkain sa linggong darating.

Ipinakita rin ni Kuya ang naging kahihinatnan ng pole-dancing weekly task ng looban. Nagpakita ng acrobatic skills ang lahat ng housemates. Ang bodybuilder na si Luz, nagpakita ng kanyang skills, habang medyo nagstruggle ang mga ka-grupong sina Diane at Tin sa pag-stay on the pole for 2 minutes. Hindi naman nagpatalo ang grupo nina Casey, Carlo at Jerico. Si Jerico nga, naghubad pa ng kanyang suot na shirt habang nasa pole! When it was Tol's turn, todo cheer ang mga housemates. Hirap man si Tol dahil sa kanyang bigating frame, todo effort pa rin ito na hindi malet-down ang lahat.

Nagbunga ang isang linggong pagod ng housemates nang ipaalam ni Kuya na katulad ng week-long task ni Casey ay nagtagumpay rin ang housemates sa weekly task. Panalo sila ng unlimited water at magkakaroon rin ng supply ng ice cream. 'Di maipinta sa kasiyahan ang mukha ng mga housemates dahil sa wakas, makakaligo na rin sila sa panahong kanilang gugustuhin.

Kaakibat ng tagumpay sa weekly tasks, ay ang bagong mga pagsubok na inihanda ni Kuya para sa linggong darating. Kasama na rito ang pagpasok ng 3Gs ni Kuya: isang suki ng pageants, si Pretty Miss Perfect ng Nueva Ecija; isang batang ina, si Sexy Single Mommy ng Pampanga; at ang palabang si Independent Woman of Sampaloc.

Maging successful kaya ang 3Gs sa kanilang secret task lalo na't nakasalalay rito ang automatic nomination, which can even turn into a forced eviction, ni Slater? Abangan ang very exciting week na darating!

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP