Love Play!
Para makumbinsi ang mga housemates sa House B, nag-share sina Kat at Patrick ng love story nila. Sobrang game naman ang mga kasama nila at nire-enact pa ang love story ng dalawa. Parang nanonood lang ng sine ang "mag-asawa" at ngumunguya pa sila ng popcorn habang tumatawa.
Si Mariel at Hermes ang gumanap na mga bida, at ang kalog na si Patria naman ang narrator. Kaiba din ang mga dialogue nina Mariel at Hermes, complete with quotable quotes and kilig moments pa! Natapos ang skit with the housemates sharing na na-inspire sila sa kwento ng mag-asawa.
Ano naman kaya ang feeling ni Jim habang pinapanood ang kwento nila ng asawa, pero hindi siya ang nasa title role?
0 comments:
Post a Comment