TRUST ISSUES!
Hindi lang si Rica Babes ang may issues. Kung separation anxiety ang kanya, trust issues naman ang kay Commander Rob.
Kahit nag-uusap na about their love life, quiet lang si Rob tungkol sa special someone niya. Ayaw niya daw kasi ma-involve ito sa kung anong nangyayari sa kanya sa bahay. Itago nalang natin siya sa initials sa R.S. Hindi madali para kay Rob ang magtiwala. Agree siya kay Rica na hindi maiiwasan masaktan at bahagi ito ng living and loving. Kaya nga ayaw niya magtiwala. Para sa kanya, the less people you trust, the less chances you get hurt.Para sa mga taong nagtitiwala sa kanya, alam nilang hindi siya gagawa ng bagay to betray that trust.
Matuto kayang magtiwala si Rob sa loob ng bahay, o forever siyang magdududa sa mga kasama?
Source
0 comments:
Post a Comment