Friday, October 23

Away nanaman?!



Bangayang mag-asawa ni Kath at Jimson. What's new?
Actually, maraming mga issue ang lumabas sa diskusyon ng mag-asawa. Mukhang ang malakas na pag-aargumento talaga ang way ng mag-asawa to keep communication lines open, kahit papaano.
Kinwento ni Kath kay Jim kung paanong desidido syang magsuot ng t-back sa task for the sake of the team, pero nagbago ang isip after kausapin si Kuya para sa dignidad. Comment ng asawa, dapat may paninindigan si Kath. Ugali daw kasi ni Kath na magpabago-bago ng isip base sa sinasabi ng iba. Naungkat ang issue ng naunang usapan na kung may maalis sa kanila, aalis din 'yung isa. Decision ni Kath 'yun last nomination night, pero nagbago ang isip nya matapos makausap ng iba. Ang point ni Jim, dapat matuto si Kath na manindigan. Ayaw na ituloy ni Kath ang usapan at this point, pero nag-bring up naman din ng ibang issue.

Hindi maintindihan ni Jim kung bakit palagi syang binabara ni Kath. Nailabas tuloy nya ang hinanakit na, kahit noong nasa Spain pa sila, ayaw ni Kath na mag-usap sila ng maayos at lagi ito ang nagdedecide, without taking his feelings into consideration. Hindi nag-agree si Kath, at nilabas din ang sama ng loob na kaya sya naiinis dahil pinaparamdam ni Jim sa kanya na sya lagi ang mali.

"Marami akong natututunan sa loob ng bahay, at marami pa akong matututunan," kwento ni Jim. Isang example ang trabaho niya. Dati, nahihiya sya sa trabaho nya, dahil nga hindi sya sanay dun at pinagtawanan sya ng barkada nya. Nagpanting ang tenga ni Kath at nag-demand kung bakit sya mahihiya, e wala namang masama sa trabaho nya? Point ni Jim, pinilit niyang panindigan 'yung trabaho kahit ayaw nya, dahil sa mag-ina nya. Sumunod sya sa Spain at kinalimutan ang buhay-binata (kasi dati nga may unfaithfulness syang nagawa), at kahit maraming problema, kinakaya dahil sa pamilya. Feeling ni Kath, nanunumbat si Jim, kaya binira nya ito ng "kaya ko naman buhayin ang anak ko."

Gaya ng lahat ng pagtatalo nila, kung gaano kabilis magsimula ito, ganoon din kabilis ma-resolve. Nilambing lang ni Jim ng konti si Kath at pinatawa, ok na agad! Hay, nakakaloka! Mas nakakapagod ata silang pakinggan e.

Ang hanging issue e kung willing si Kath na suportahan ang pagtatapos ni Jim ng pag-aaral dito sa 'Pinas, if ever, at dito muna mamalagi. Hmm.. mukhang topic for another awayan, ete, another day pala.

Source

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP