Naughty Mommy!
Lumabas nanaman ang insecurity ni Yhel tungkol sa katawan niya. Kung sexy lang daw siya gaya nila Marielle at Yuri, no doubt, siya pa ang mag-aaya sa dalawang sexy na maghubad para sa task.
HIndi lang daring itong si Yhel, party girl din! Kwento niya, kaya niyang umubos ng isang pack ng yosi kapag nakikipag-inuman. Ok lang ang beer, pero pag hard drinks, siguradong may hangover siya kinabukasan. Dahil maagang nagkapamilya, minsanang treat nalang ang inuman sa kanya. Pero kapag nagsimula pala ito, tuloy-tuloy na! Hindi naman sa pinagsisisihan niya ang family life niya. The next minute, kwentong mommy naman siya tungkol sa 2 boys niya. Yung bunso niya, sanay sa duyan. Dapat daw, kapag may kinakain ka, share din sa baby niya, kasi iiyak 'yun. Hmm.. mana ba sa mommy? Obvious na miss na ni Yhel ang mga anak at pati kulay ng damit naikwento na niya!
Source
0 comments:
Post a Comment