Sunday, October 25

Sweetiepie hug!




Last day na nga ba ni Sweetiepie Jason? Aba, Melai, gawin mo na daw ang lahat ng gusto mo sa kanya dahil baka walang next time!

Sa umpisa, medyo pakipot pa si Melai at sinabing dapat hindi sila magkatabi ni Jason. Maya-maya, iba na ang ihip ng hangin. Nagsabi si Melai na masama ang pakiramdam nya kasi humihilab ang tiyan nya. Hiniritan niya si Jason na, sige na, i-hug mo na 'yung special friend mo. Sagot naman ni Jason, "Sige, lapit ka dito." Aba, e di syempre mabilis pa sa alas-kwatrong lumapit si Melai! Ayun, niyakap nga sya ni Jason. Requirement pa ni Melai, dapat 10 second-hug! Tinuruan pa ni Melai kung pano ang tamang hug bago nagsimula ang pagbilang ng seconds. May pagbibilin pa ng special songs para sa isa't isa to.
Sige, Sweetiepie, hug muna kayo dahil baka huli na ang lahat mamaya!

Source

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP