Bitter ka, Patrick?
Hindi masyadong aware si Mariel sa extent ng PBB. Buti itong si Patrick, nanonood pala dati pa. After work kasi, ugali niyang manood ng TV until 2 or 3am. Tagasubaybay talaga siya ng teleserye ng totoong buhay ng Season 1, kaya naman sumubok siyang makapasok next season. Umabot siya until top 10 sa Baguio, kaya lang hindi na umangat. Asar-talo siya sa hirit ni Mariel. Medyo bitter-bitteran daw yata siya kaya hindi na masyadong nanood after.
O pano ngayon, housemate ka na talaga? Gulat si Mariel sa kwento ni patrick na pinag-uusapan nila sa office dati 'yung PBB, at na-excite naman si Mariel sa thought na kilala sila ng mga tao sa labas. Naku, 'wafg mo na masyado pangarapin malaman for now. Enjoy muna sa loob.
Source
0 comments:
Post a Comment