Monday, November 23

6th nomination night!



Finally, kumpleto na ang listahan ng mga nominado sa darating na linggo. Dahil feeling ng mga taga-House B, threat si Rica, siya ang napagkasunduang patawan ng Automatic Nomination. Masyado daw kasi itong malakas kaya hindi nagiging patas ang labanan ng girls lalo kapag physical tasks na. Smile pa rin naman si Rica at in-assure pa ang housemates niya na ok lang siya. First-timer sa nominasyon si Rica, at sa end, quotable quote ang iniwan niya: "Ang magandang laban, hindi kailangang pilayan ang kalaban." Very Ms. Universe ang line, don't you think?



Si Carol beterana na sa nominasyon, weakest link kasi ng bahay. Si Jason naman, tamad pa rin tsaka nakakadamay na ng iba ang pagiging pasaway. Sa House B, dapat isa lang ang nominado, kaya lang nag-tie sa top spot sina Patrick at Rob. Feeling ng iba, pihikan si Patrick sa pakikihalubilo sa kanila. Patalo naman kay Rob ang pagiging mainitin ng ulo niya to the point na nagpapadala siya sa emosyon, lalo na kapag natatalo sa laban.

Open na ulit ang voting! Sino ba ang sasagipin nyo? Text BB and send it to 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless Landline or 231 for Smart n Talk n Text! Pwede din namang online sa www.pinoybigbrother.com/vote.

Source

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP