Monday, November 23

Bagyong Walay, tumama na!



Hindi na nga napigilan ang hagupit ng Bagyong Walay! Akala ng mga housemates, enough na ang regular na hampas ng eviction at nomination nights. Kahit pa sabayan ng automatic nominations, keri lang nila. Pero grabe naman ang kaguluhang dala ni Walay!



Hiwalayang matibay nga ang naganap sa loob ng bahay ni Kuya nang i-announce niya ang swap ng mga girls. One hour lang ang binigay niya, na tina-timingan ng isang higanteng hourglass. Sa loob ng isang oras, kailangang makapag-impake at matapos na ang mga goodbye moments ng mga housemates.Sa hudyat ni Kuya, takbo ng takbo ang mga girls ng House B para mag-ayos, habang slow mo naman ang mga girls ng house A. Ang last bonding moment ng House B ay mag-chikahan habang kumakain ng snacks, habang comedy to the last minute ang House A girls na may production number pa.

Ang trahedya nga naman, walang pinipiling oras. Kung kelan pa naging close na ang mga housemates, kung kelan nasanay na sila sa isa't isa at bumuo na ng pamilya sa loob, sisirain lang pala ng bagyo.

bagong House A: Kath, Marielle, Sam, Yuri, Tibo, Johan, Jason and Paul Jake
bagong House B: Melai, Carol, Rica, Rob, Hermes, Rocky and Patrick

Naku, pano na? Saan kang bahay ngayon?

Source

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP