Nanghihina na si Rica!
Hindi lang si Melai ang hirap sa naganap na paglipat. Isa pang may strong personality ang naghihina sa lungkot. Aminado si Rica na nabibigatan na rin siya sa emotional burden ng linggo-linggong iyakan. Wala naman kasing way para magpaghandaan ng todo ang mga pangyayari, dahil biglaan din ang mga bagay. Kung math, quiz o takbuhan lang daw, kayang-kaya.
Pero ang melodramatic moments, masyadong mahirap kargahin. Pahirapan talagang maging happy sa bagong bahay. naisip nga ni Rica na nakakainggit ang strength ni Carol. Kahit madalas umiyak, nakakayanan pa rin ni Carol harapin ang mga hamon sa kanya. Ngayon, kay Carol siya naghahatak ng lakas para ma-survive ang bagong problemang ito. Makaya kaya ni Rica ito ng matagalan? Factor ba si Rob kung bakit hirap siyang mag-adjust?
Source
0 comments:
Post a Comment