Monday, November 23

Malapit na tumama ang bagyo!




Si Melai mukhang naghahanda na ah. May super sensor yata siya na kailangang mag-ready. Bilang ulirang ina ni Dengue, ayan at inaayos na niya ang lahat.



Kagabi nag-warning ang Kuya's Angels tungkol sa parating na bagyo. Magiging handa kaya ang mga housemates (at mga PBB addicts) sa lakas ng hagupit nito? Buong araw nang nagbui-build up ang nasabing storm.

Signal #1 nang mag-isip ang lahat kung sino-sino ang mga nominado. Dahil House B ang panalo sa weekly task, 1 lang dapat ang nominado sa kanila, habang 3 naman sa kabila.

Signal #2 nang maalalang part ng reward ng House B ang pagkakaroon ng powers na bigyan ng automatic nomination ang isang housemate mula sa kalabang bahay. Sino nga kaya ang malas na housemate na ito, at ano naman ang reason ng pag-nominate sa kanya?

Signal #3 ang hahampas sa lahat in just a few hours! May matibay na hagupit sa lahat ang nakakalokang twist ni Kuya, na for sure ay ikaloloka din ng mga housemates.

Makakayanan kayang ma-survive ng mga housemates ang mala-Ondoy na bagyo? E kayo, kaya nyo pa ba samahan ang mga paborito ninyong housemates, o laglagan na?

Source

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP