Monday, October 31

"Bilog" welcome drink ni Kuya!




Pinaka-excited si Kigoy nang malamang mag-iinuman sila tonight. Binuksan ni Kigoy ang gin gamit ang ngipin niya, tanggerong-tanggero lang. Hirit pa ni Luz kay Kigoy na hindi pa umiinom, muka ng nakainom.

Parang nilabasan naman ng apoy sa ilong itong si Pamu nang makainom. Si Kigoy pabida pa rin sa kanyang tricks at gimmick gamit ang kanyang panyo. Nagbanatan naman ng jokes sina Paco at Slater na bumenta naman sa mga housemates. Napakanta rin nila si Seiichang.

 After inuman, halatang may tama na si Biggel kaya napa-heart to heart talk with Kigoy. Nakwento ni Kigoy na mula siya sa isang broken family, same as Biggel, pati na rin ang naranasan nilang hirap sa buhay. Inamin ni Kigoy na nakagawa na siya ng mabuti at masamang paraan para mabuhay samantalang si Biggel naman sinabing sa malinis na paraan lang niya nagawang kumita ng pera. Ito lang daw ang mapagmamalaki niya sa kapatid niya.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP