Monday, October 31

Pamu-Seichang "Adik Ka"!




May hawak na itlog ng butiki si Pamu while explaining to Seichang na kailangan malimliman ito para mag-hatch. Hindi pa rin sila magkaintindihan. Nasabihan tuloy ng “Addict ka,” ni Seiichang si Pamu. Nilagay pa ni Pamu sa butas ng ilong niya ang itlog na ikinatawa ng mga kasamahan niya. Nagpaturo siya kay Seiichang ng Japanese words like I love you, Thank You, Good bye.


Nang magkayayaan nang matulog ang mga housemates, panay ang good night ni Pamu sa kanila. Nag-happy trip pa siya sa kanila. Napabangon si Tin sa init at kumuha ng pamaypay. Gising pa si Pamu nun at inamin na hirap siyang makatulog sa ibang bahay lalo na ang pumu-poo. Binuntingting nila ang mga underwear na bigay ni Kuya, wondering how they’ll wear it. Naalala naman ni Tin ang mga manok at naawa kaya bumangon ulit sila ni Pamu para pakainin ang mga ‘to. Nang kumuha ng tubig, gumagawa ng chicken sounds si Pamu na para bang hinihintay niyang sagutin siya ng mga manok.

Ang funny lang niya. Habang nangyayari ang lahat ng ito ay kinausap na ni Kuya si Carlo Romero at ibinigay ang task niya bilang mole. Kailangan hanapin ni Carlo ang anim na marks sa mga housemates at ang hindi malaman na siya ay isang mole. Hindi alam ng mga housemates na mga past 4am na sila nakatulog at halatang hirap ang iba dahil sa matigas na higaan.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP