Monday, October 31

Limited clothes distributed!




Paglabas ni Kim at Pamu ng Confession room, agad nilang pinamigay ang mga limited clothes at toiletries from Kuya. Natuwa ang mga girls sa daster lalo na si Divine na tawang-tawa dahil nga alam naman nating tibo siya.

Kim asked kung meron bang make-up remover na padala si Kuya. Sabi ng iba, okay na ang tamang hilamos. Si Luz, conditioner naman ang hanap para sa buhok niyang naninigas. Nagpunta ang mga girls sa sleeping quarters habang pinagkatuwaan ang mga dasters. Si Luz at Pamu bukas na daw magbibihis at baka daw kasi hindi na magbigay bukas. Pati pagsisipilyo, ipinagpabukas na rin.

 Nang pag-usapan ang set up sa pagtulog, inakala ng girls na sila sa taas at ang boys naman sa baba. Kasya naman sila sabi nina Luz kaya nagsiksikan na lang sila. Nakakita ng insekto ‘tong si Kim kaya biglang napatili. To the rescue naman si Kigoy para hulihin ang insekto.

 Si Divine naman ang na-hot seat ng ilang boys tungkol sa kanyang sexual preference. Sinabi nito na she likes how she looks as a girl lalo na ang kanyang pangangatawan, yun nga lang she also likes girls. Paco asked if there’s a chance na magbalik loob ito sa pagkababae, hindi daw niya ito masasagot. When asked about relationships, gulat na gulat si Pamu nang malamang may girlfriend si Divine.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP