Wednesday, November 2

Pamu: Galante sa kwentuhan! "Kitikiti Kid ng Batangas"!


Maagang nawalan ng ama na naging dahilan ng pakikipagsapalaran ng kanyang ina sa Dubai, si Pamu ay lumaki sa piling ng kanyang lolo’t lola at mga pinsan sa probinsya ng Batangas.



Bagamat hindi lumaki sa piling ng kanyang ina, hindi ito naging hadlang kay Pamu upang lubusin ang kanyang buhay.

Idinaan ni Pamu ang mga naging pagsubok sa kanyang buhay sa pagiging masayahin at madiskarte sa lahat ng bagay. Game sa lahat ng lakaran kasama ang kaniyang mga kaibigan kahit salat sa pera, bumabawi naman si Pamu sa pagiging galante sa kwentuhan.

Ilang beses mang napagkamalang tomboy dahil sa gaslaw niyang kumilos, aminado si Pamu na siya ay nagkaroon na ng dalawang boyfriend. Isang makulay na personalidad na may kasing-kulay na buhay, abangan ang sayang idudulot ni Pamu sa kanyang pamamalagi sa loob ng Bahay ni Kuya.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP