Sunday, November 6

Meet Erica: Nanayuki ng Bacolod!


Napakakulay ng buhay ni Erica na nag-audition sa Japan.



Aniya, ang dapat maga-audition ay ang kanyang nakababatang kapatid pero siya ang nakuha.
Dahil sa angking ganda siguro at makulay na buhay, magiging interesting housemate si Erica. “I was crazy before, binago ko ang buhay ko dahil sa anak ko at binabago pa,” sabi ng mother of three; isang 10 years old, three years old at one year old. Naging madilim din ang nakaraan niya. Nalulong sa iba’t ibang bisyo gaya ng alak, droga at lalaki. “Gusto kong ipaalam sa kanila kung gaano ako katanga dati,” prangkang sagot ni Erica. “Dahil pwede mo nang sabihin dahil nagbago ka na. Pero ‘pag nandun ka pa sa sitwasyon na ‘yon syempre ‘yung pride mo tanga ka nga eh parang nakakahiyang sabihin pero nalaman ko lang nung inayos ko ang buhay ko na tanga pala ako dati.

Akala ko masaya ang buhay ko nagdo-droga ako. Loser pala.” Hindi raw sila tinamaan ng tsunami na tumama sa Japan kamakailan pero dinanas daw nila ang intensity 7 na lindol doon na ikinatakot niya. Nanonood daw ang kanyang 3-anyos na anak habang ang bunso niya ay idinuduyan nang biglang tumama ang malakas na lindol. Binitbit daw niya ang dalawa palabas dahil ang kanyang partner ay nasa trabaho. “Na-depress na ako, nakita ko ‘yung nangyari. Andaming nagkasunugang bahay. Nag-panic buying wala na akong mabilhang gatas, walang mga pagkain, bigas wala na. Kaya binibisikleta ko, naghahanap ako nagbabaka-sakali. Bawal inumin ang tubig dahil sa radiation kaya ang tubig vending machine na lang or mineral water. Ang gastos. Nakakuha ako ng mga gatas nag-stock talaga ako,” kuwento niya. Umaasa si Erica na kung papalarin ay manalo siya sa PBB upang magkaroon ng bahay at pera pantustos sa kanyang mga anak.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP