Wednesday, November 9

PBB UnliDay Wasabi challenge!


Kuya called in everyone to the dinning area para sumali sa kanyang challenge -- ang pagkain ng isang kutsarang wasabi kapalit ang isang masarap at masaganang sorpresa para sa kanilang pananghalian.

Para sa iba na sanay sa pagkain ng maanghang ay walang problema ang challenge. Pero matindi ang wapak ng wasabi at biruin mo, isang kutsara pa!



Unang sumubok ay sina Paco at Lyn na sinundan ni Kevin at Unad. Si Unad calm lang at sinabi kay Kuya na first time niya makakain ng wasabi. Si Steph ang next in line at aminadong kabado, "nanginginig po ako!" sabi niya kay Kuya pero kinaya naman niya kahit nakasipit ang ilong noong sumubo. Next ay si Lordwin at Mark, na sabi pa kay Big Brother ay sabay sila dahil, "sweet po kami."

Mabilis na sumunod si Nap, who was followed by Erica, na kahit tumira sa Japan ay nahirapan pa din sa paglunok ng isang kutsarang wasabi. Si Kim at Jazz ay naiyak at sinipon sa sobrang anghang ng kinain pero tiniis nila dahil naghirap na ang ibang housemates para manalo sila ng masarap na lunch.

Si Pamu din ay lumuha at not but not the least ay si Seichang na tulad ni Erica ay nangilid din ang luha kahit sanay na sa wasabi na part na ng kultura at pagkain sa Japan.

Kinongratulate ni Kuya ang lahat ng housemates at sinabing sila ay makakatanggap ng masarap na tanghalian. Tinanong sila ni Big Brother kung gusto pa nila ng appetizer na wasabi flavor na siya namang tinanggihan ng lahat. Request na lang nila ay chocolate, dahil pangtanggal anghang kasi ang sweets sa kanilang dila.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP