Thursday, November 10

PBB UnliDay Massage with malisya ni Paco?


Mukhang nagsisimula na ang tensyon sa loob ng PBB Day house. Nang manalo ang girls sa Sumo wrestler challenge, ang reward na binigay ni Kuya ay Shiatsu massage. Ang hindi alam ng girls ay inatasan ni Kuya ang mga boys para mgmasahe sa girls.


Dahil iniwan sa bys ang desisyon kung sino ang kanilang ima-massage, pinili ni Paco ni Kim. Hindi maitago ni paco ang ngiti at mukhang hindi makapaghintay para kumpletuhin ang task na ito.

Naka-blindfold ang girls sa massage room at dahil sobrang tahimik ang boys nang pumasok sa loob, mukhang wala namang idea ang girls na ang Housemates nila ang nagmamasahe. Pinatanggal naman ni Kuya ang mga piring ng girls after the task was completed at doon nila ang kanilang male Housemates.



Nailang agad si Kim nang nakita nyang si Paco ang naging masseuse nya. Nasabi nya na na-bad trip sya sa nangyari. Hindi rin nya maintindihan kung bakit hindi si Mark ang pumili sa kanya dahil girlfriend naman sya nito. "If he cared, hindi sya papayag na may ibang lalaki na hahawak sa girlfriend nya" sabi nya. "Parang wala lang sa kanya," dagdag pa ni Kim. Pero nang ipaalala ni Kuya ang special task nila ng boyfriend, ang nasabi naman ni Kim ay hindi naman sila mahahalata.

Nang tanungin naman ni Kuya si Mark kung ano ang naramdaman nya during the girls' massage reward, "Sport naman po ako," sabi nya. Pero hindi rin maitanggi ni Mark na medyo nainis sya sa naging asta ni Paco.

At hindi lang sila Mark at Kim ang medyo napipikon na kay Paco. Pati sila Erica at Pamu ay nakapansin na rin sa minsang di magandang asal ng kanilang Housemate. Ito na ba ang umpisa ng tensyon sa Day house? Tumutok lang sa PBB Unliday Updates tuwing 4:30 ng hapon para malaman!

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP