Tuesday, November 8

Pumasok na ang mga bagong Housemates at buo na ang Day House!


Matapos ang pagdating ng labinlimang bagong housemate, ngayon naman ay nalaman na natin kung sinu-sino ang magkakasama sa Day House sa pinagbukod na bahay ni Kuya.


Sina Pamu, Paco, Jaz, Seichang, Kim, at Kevin na mula na naunang batch ng Housemates ang makakasama sa kapapasok lang na sina Jessica, Lordwin, Nap, Erica, Mark, Unad, Lyn, at Steph.


Nahihimbing pa ang unang batch ng Housemates nang papasukin ni Kuya si Nap sa loob ng bahay at bigyan ng kanyang unang task: ang magluto ng almusal para sa kanyang makakasama sa bahay. Binigyan si Nap ng isang oras para tapusin ang challenge at nagampanan naman nya ang task, pero dahil sa hindi pa sya nakakapaghanda ng itlog na maalat, nailaga nya ang ito ng di oras.

Nang matapos si Nap sa pagluluto, pinalabas muna sya at doon lamang ginising ang mga Housemates at pinaupo sa dining table. Di nagtagal, pinaalam ni Kuya na oras nang sunduin ang panibagong housemates sa loob ng confession booth. Pero binilin ni Kuya na hindi dapat malaman ng mga bagong housemates na nauna sila ng isang linggo sa bagong grupo.

Naunang sinundo ni Seichang si Lyn. Dahil sa language barrier, natakot si Lyn na hindi sila magkaintindhan, ngunit noong nalaman na marunong mag-Bisaya ang binata, nawala ang kaba ng Housemaid of Honor.

Sunod na sinundo sa confession booth ay si Unad. Nang tanungin ni Kuya kung ano ang masasabi nya tungkol kay Jaz na sumundo sa kanya, inamin ng Maginoong Barako na hindi sya makatingin dahil hindi sya sanay sa suot ng dalaga.

Ngunit nang ipasundo ni Kuya ang susunod na Housemate kay Kim, nagulat ang dalaga nang ang madatnan sa confession booth ay si Mark--ang boyfriend nya. Binigyan ni Kuya ang magkasintahan ng espseyal na challenge: hindi dapat malaman ng ibang Housemate na may relasyon sila. Kung hindi nila makakaya ang task na ito, silang dalawa ay automatically na manonominate for eviction. Immunity naman ang naghihintay para sa isa kanila kung sakaling magtagumpay sila sa pagsubok ni Kuya.

Nang lumabas na si Jessica mula sa confession room, hindi maitago ni Kim ang kanyang reaksyon sa dalaga. Ito ba ay dahil nararamdaman nyang may maaring mabuong pagtingin ang Pinay Snow White sa kanyang boyfriend, o iniisip pa rin nito kung paano mananalo sa hamon ni Kuya?

Si Lordwin ang sumunod na lumabas pagkatapos sunduin ni Pamu. At nang pinapasok ni Kuya si Paco si confession booth, sinundo naman nito sina Erica at Steph. Laking tuwa ni Seichang nang malaman nito na marunong magsalita ng Nihonggo si Erica--ito na siguro ang chance ng Fil-Japanese na Housemate na mas ma-express nag mabuti ang sarili.

Nang sunduin ni Pamu ni Nap--ang natitirang Housemate para sa Day House--mukhang nabigla ang lahat nang makita ang kalagayan ng bago nilang kasama. Pero sa halip na ilagan ni Nap, pinalakpakan ng Housemates ang kanilang pang-labingapat na kasama. Matapos ang pag-welcome sa kanila ni Kuya, pinag-saluhan na nila ang almusal na hinanda ni Nap.

Umpisa na ang bonding sa loob ng Day House. kakayanin kaya nila ang mga unang hamon ni Kuya? Paano kaya maitatago nila Mark at Kim ang kanilang pagiging mag-boyfriend. At paano naman nilang haharapin ang mga darating na challenges?

Tumutok lang sa PBB Unlimited para makita ang mga susunod na pangyayari.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP