Evicted housemates look back on their 'Pinoy Big Brother Double Up' stints!
ABS-CBN.com asks the former housemates of Pinoy Big Brother Double Up about what they can’t forget about their stay inside the Big Brother house.
Kenny and Toffi Santos
Kapag nagtatago kami at nagpapalit kami (Their first task was to make the housemates of House A and B believe that they were just one person). Ang hirap ng task na ‘yun. Wala kaming mapagtaguan, ang hirap pa kasi puno ng salamin ‘yung bahay. Wala pa kaming tulog so hindi kami makapagplano nang mabuti.
Princess Manzon
I wouldn’t forget the Naked Fan Dance task. We were so aggressive to win. Nagulat ako kasi I thought the boys would be, wala lang sa kanila ‘yung task. But then sila pa ‘yung naging emotional. They debated on who should go all the way naked or wear skin tone [tights/leotards]. Pero nag-effort talaga kami para manalo that’s why I was very happy when we won.
Delio Dimaculangan
Hindi ko makakalimutan ‘yung samahan namin sa loob ng bahay. Nami-miss ko ‘yung mga pagkakataong ipinagluluto ko sila ng pagkain. ‘Yung mga kulitan namin, kapag gumagawa kami ng tasks. Masaya tumira sa bahay ni Kuya.
Riza Mae Patria
Hindi ko makakalimutan ‘yung mga physical tasks. Nung nag-fight kami ni Rica (Paras) sa pool, hindi kasi ako marunong lumangoy. Nangawit ‘yung binti ko sa raft kasi ang tagal. Isa pa ‘yung sinabit ako na nakasuot ng velcro Rica at Tibo, parang akong puppet.
Yuri Okawa
Nakakadiri talaga ‘yung pagkain ko ng uod at burong fish. Ang baho ng buro. Inisip ko na lang na kapag nagpakita ako ng weakness, kapag sumuka ako matatakot ‘yung group mates ko. Inubos ko na lang. Cowboy naman ako kahit mukha lang akong maarte. Hindi ko ma-explain kung anong lasa nung shake. Hindi ako sumuka after pero kapag nag-burp ako nalalasahan ko pa rin.
0 comments:
Post a Comment