Monday, January 4

Ex-PBB housemate Rica Paras names the ‘best’ and ‘fake’ housemates!



Sinabi ng latest evictee ng Pinoy Big Brother Double Up na si Rica Paras na marami sa kanyang mga kakilala ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan ng mapalabas siya sa bahay ni Kuya. “They think that I could have done better, mas marami akong pwedeng masabi and ma-contribute sa mga tao sa labas.” Gayunpaman, naniniwala si Rica na marami pa siyang magagawa sa labas ng bahay. “Pero I feel like ‘yung totoong laban ko nandito sa labas at mas marami pa akong puwedeng gawin dito sa labas and I’m very excited talaga,” ani Rica.



Kung meron umanong namumukod-tanging karanasan na nangyari sa kanya sa loob ng bahay, ito ang 100 seconds nila ng kanyang ama kung saan nagkaroon sila reconciliation. Ang kuwento kasi ng buhay ni Rica ay ang hindi siya lubos na tanggap ng ama dahil sa pagiging transsexual nito. At ngayong maayos na ang kanilang relasyon may bagong misyon si Rica. “To start all over again and start with the family to be closer again para ‘yung lahat ng na-miss ko (like) affection (at) pagmamahal sa pamilya ko mas maranasan ko ngayon,” anang ex-housemate.

Matapang ding nagsabi ni Rica kung sino ang bet niyang mananalo sa PBB Double Up at ito ay ang kanyang best-friend na si Melisa “Melai” Cantiveros. “The best thing about Melai is totoo siya. Hindi nahihiya na galing siya sa probinsiya at ‘pag nagi-english siya, confidence!” ani Rica. “She’s very deserving. Totoo siya. She’s a performer and she loves everyone. Hindi siya hate ng mga tao and I think she can represent Filipinos na galing sa probinsya na hindi nahihiya kahit imperfect.” Itinuro rin ni Rica si Cathy Remperas, ang nurse from Bohol, bilang ang hindi pinakatotoong housemate sa bahay para sa kanya.

Sinabi rin ni Rica sa The Buzz kahapon na sa tingin niya ay tunay ang pagmamahalan sa pagitan nina Melai at ni Jason Francisco, na tinagurian pang Mela-son ang love team dahil sa kasikatan ng team up ng dalawa. “Nakahuli ang kiliti ng isa’t isa. Silang dalawa match made in heaven. Sobrang funny and comforting and they come from same background. Tamang-tama chemistry nilang dalawa.”

Source: Bernie Franco, http://doubleup.pinoybigbrother.com

1 comments:

Anonymous,  January 5, 2010 at 9:31 AM  

melason fans wag pakasiguro be sure to vote to save Jason.. BBS Jason..

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP