PINOY SHOWDOWN!
Ito nga ang title ng weekly task ng mga housemates. Gaya ng Pinoy Big Battle, kailangan ang 3 out 5 na panalo. House A vs. House B pa din, with one activity per day, pero yung activity nila ay idedecide sa sobrang hi-tech na paraan: bunutan!
Kahapon, naganap na nga ang first showdown nila, judged by Vice Ganda. Today naman, may cooking showdown sila. Ang last event ay basketball, yun sure na. Hindi basta-basta ang prizes ha! Bukod sa weekly budget, ang winning house ay magkakaroon ng special screening ng laban ni Pacman. Ang mabigat para sa losing house, aside sa tag-gutom ulit sila, ay may mapapatawang team member ng automatic nomination, na pipiliin ng kabilang house. Tsk, pressure?
0 comments:
Post a Comment