Rocky the new Hunk Housemate!
Sa unang task ni Kuya, medyo nagbagal pa siya kasi kinakabahan siyang masira 'yung mga damit. Maliliit kasi e. Mukha tuloy siyang tambak ng labada pagpasok, kaya naman ang first greeting niya e: "Hello, tao po kami!" Aba, komedyante? Kahit fasyon ang porma nito, sanay yan magbanat ng buto. Sa Villamor Airbase football team barracks siya lumaki at kung ano-anong pinasukang trabaho. Nagtinda ng balut, nag-alaga ng baboy, naging construction worker at bakal-tingga boy ito! Pero sorry nalang sa mga umaasa diyan, dahil natagpuan na niya ang one true love niya, na itinatago niya sa code name na "Pag-ibig". Naku, makaligtas kaya siya kina Yuri at Marielle?
Source
0 comments:
Post a Comment