Teacher Carol and student Jason!
Lumabas ang pagiging teacher ni Carol habang binibigyan niya ng tips si Jason tungkol sa pagsagot ng multiple choice questions. Sa kalagitnaan ng paghuhugas ng pinggan, matiyagang nilelecturan ni Carol ang kasama.
Teacher Carol's tips:
1. Eliminate choices na alam mo nang hindi swak.
2. Wag patalo sa kaba. Magkaroon ng confidence.
3. Quick thinking. Pwedeng pindutin na ang answer button para mauna, tapos isipin ang sagoty ng mabilisan after.
4. Wag tumingin sa score ng kalaban.
5. Pi = 3.14...
6.pag hindi alam, pass muna. Wag magsayang ng oras. Sagutan muna lahat ng alam.
Ito naman kasing si Jason, hindi pa nagsisimula, ang dami nang nega vibes. Feeling nya bobo sya. Pero ang sabi ni Melai: Walang bobong tao sa mundo! Yun na!
Sabi ni Carol, dapat mabilis mag-isip. Kunot noo si Jason dito, mahirap daw mag-isip ng mabilis. Naku, magtataka ka pa ba e sa lahat naman mabagal yang si Jason! Sige nga, Teacher, turuan mo nga yan!
0 comments:
Post a Comment