PBB UnliDay Binisto ni Erica mga Bisyo n'ya dati!
Habang nagaayos ay natanong ni Jaz si Erica tungkol sa kanyang naging bisyo noong sya ay dalaga pa.
Kinuwento niya na naging paranoid siya noon at naging mainitin ang ulo. Madalas daw ay inaakala niya na pinaguusapan siya ng mga tao at nakaaway pa ang pinsan at kapatid niya dahil dito. in denial din siya noon panahong yun na lulong na siya sa droga. "Try-try lang sabi ko. Pero araw-araw na try-try," natatawa niyang pag-alala. Dagdag pa niya one time, nagtatago siya sa kanyang Daddy habang nag-tsongki pero pagsilip niya sa bintana ay mukha mismo ng kanyang ama ang bumungad sa kanya. Natigil lamang daw siya sa bisyo nang siya ay mabuntis at magkaroon ng mga anak. "Automatic na nagbago ang buhay ko dahil sa anak ko," sabi ni Erica. Akala daw niya ay babalik siya sa dati after niyang manganak pero iba talaga ang nagawa ng motherhood sa kanya. "Nasiyahan na ko sa buhay ko."
0 comments:
Post a Comment