PBB UnliDay is turning Japanese!
Nalaman na ng mga housemates ang kanilang unang weekly task. Ipinatawag ni Kuya sina Seichang at Lyn sa confession room at nagulat sila nang makakita ng dalawang sumo wrestler sa loob.
Dahil nakasulat ang task letter sa Nihonggo, ipinabasa ito ni Kuya kay Seichang. Sinabi sa letter na ang magiging task ng mga housemates ay bumuo ng 20 origami designs. Pero bago sila palabasin ng confession room, napansin ni Kuya na medyo malungkot si Lyn, kaya pinakandong ulit sila sa mga sumo wrestler na biglang gumalaw na parang mga massagew chairs. Hindi napigilan ni Seichang ang tumawa lalo na nang yakapin sila ng kanilang "sumo massage chairs." Naaliw na rin si Lyn at tumawa kasabay ni Seichang.
Ibinalita ni Seichang ang kanilang weekly task sa mga kasama at pinakuha namana ni Kuya kay Pamu at Nap ang kanilang mga gagamitin sa loob ng storage room. Nagulat si Pamu nang makita ang mga sumo wrestler na hawak ang mga papel at patterns nagagamitin sa kanilang origami task. Nahirapan ang dalaga na kunin ang mga ito at tinawag ang ibang mga housemates para magpatulong.
Nang makuha ang mga gamit, dali-dali nilang inumpisahan ang kanilang weekly task, pero mukhang nahihirapan si Seichang sa pagbuo ng origami. Mabubuo ba ang 20 design na hinihingi ni kuya bago matapos ang linggo? Dapat, dahil 100 percent ng budget ng mga housemates ang nakasalalay sa task na ito!
Sundan ang lahat ng PBB updates sa Twitter at Facebook para laging in the know sa happenings sa loob ng bahay ni Kuya!
0 comments:
Post a Comment