PBB UNliDay Task Force Origami!
Ang fashion show pala ay way ni Paco para ma-energize ang kanyang fellow housemates bago simulan ang serious practice nila para sa origami task ni Kuya.
Bukas na gaganapin ang exam nila sa origami at tatawag si Kuya ng random housemate para idemonstrate ang isa sa mga 20 origami styles na kanilang pinagaralan. Ang pagkakamali ng isa ay automatic na pagkatalo nila sa kanilang weekly task at pagkawala ng kanilang budget sa isang linggo.
Binigyan sila ng malalaking colored paper ni Big Brother para pagpractice-san. Si Paco, na tumayo nang leader ng housemates ay siyang naginstruct sa iba na isa-isa nilang ishare ang kaalaman sa na-master nang origami style at ituro sa iba pang kasamahan.
Maging successful kaya ang housemates sa kanilang weekly task, ngayong ang iba sa kanila ay 5 out of 20 pa lang ang kabisado? Abangan!
0 comments:
Post a Comment