Friday, November 11

PBB UnliNihgt First taste of Ice Cream ni Biggel!


Tirador Challenge ng PBB UnliNight at dapat mapatumba nila ang mga lata na may numero at kasamang paparemyo o di kaya consequence.

Sa unang pagsubok nila sila ay nabigo.

Binigyan sila ng dalawang pagkakataon ni Kuya at ipinakita sa kanila ang maaaring mapanalunan nila: Litsong Manok, C2 Iced Tea at Ice Cream.

Duon nalaman ng mag Housemates na hindi pa nakatikim si Biggel ng Ice Cream mula ng s'ya ay bata pa. Siya ay 19 years old na.

Hindi nila napanalunan ang Ice Cream kaya binigyan ni Kuya si Biggel ng isa pang pagkakataon. 5 bala ng tirador at patutumbahin n'ya sa ulo ni Tin habang me hawak na talukbong sa mukha para wag masaktan o matamaan.

Sa unang apat na pagsubok ni Biggel s'ya ay nabigo. Sa huli ay binigyan ng incentive ni Tin si Biggel na bibigyan n'ya ng halik ang binata pag s'ya ay nagtagumpay.


Sa huling pasgsubok ay napatumba naman ni Biggel ang lata.



Nakuha ny'a ang halik ni Tin at sinubuan pa s'ya neto ng Ice Cream.

Ayon kay Biggel:
"Ang sarap pala talaga Kuya. Hindi nakakasawa.Ang sarap pala ng Ice Cream, akala ko dati parang Ice Candy lang s'ya, dahil gawa nga ng ice pareho. Para akong nasa langit makakatulog ako ng mahihimbing neto."

Napaluha ang ibang kasamahang Housemates dahil 'di nila inakala na may mga tao pa palng hindi pa nakatikim ng Ice Cream sa tanag buhay nila!

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP