Wednesday, November 9

PBB UnliDay does Naprey walk!


Sa unang araw ng pagsasama ng mga Housemates sa Day house, tinawag ni Kuya si Naprey upang alamin at ihatid sa kanyang mga kasama sa bahay ang kanilang unang task: ang maglakad ng katulad nya.


Sa task na ito, kailangang gampanan ng Housemates ang lahat ng gawaing pambahay tulad ng pagluluto ang paglilinis habang naglalakd na parang pato.


Nahirapan man ang mga Housemates, panandaliang nawala ang kanilang pagod nang ipaalam ni kuya na pwede na nilang kunin ang kanilang mga gamit sa storage room. Dinagdagan pa ng aliw ni Kuya ang araw ng mga Housemate nang maglaro sila ng "Big Brother Says." Natuwa si Kuya dahil nakumpleto ng mga Housemates ang kanilang task.

Dahil na-experience ng mga Housemates ang buhay ni Nap kahit panandalian lamang, isa-isang silang nagpahayag ng paghanga sa kanya. "Nakaka-inspire sya kasi never syang nag-give up," sabi Kim. "Ang tapang nyang tao," dagdag naman ni Erica

Matapos ang task, inilabas na ang wheelchair ni Nap. Kitang-kita ang tuwa sa mukha nya at sa mga kapawa Housemates dahil ibig sabihin na mas makakagalaw na ng maayos si Nap sa loob ng bahay.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP