Get to know PBB Housemate Roy!
Gamboa, Roy Marcelo
Nickname:Roy
Status:Current Housemate
Real Name:Roy Marcelo Gamboa
Origin:Pangasinan
Age:29
Birthdate:1982-01-15
Nationality:Filipino Occupation:-
Religion:Iglesia ni Cristo Hobbies:dancing workout, videoke to the max, pasyal-pasyal
Favorite Color:green
Favorite Food:dinengdeng, pinakbet, gulay
Favorite Show:Bottomline, PGT, late night shows with interviews, cooking and singing contests
Favorite Actor: Favorite Actress:Angelica Panganiban, Eugene Domingo
Favorite Singer:Jed Madela, Martin Nievera, Ne-Yo
OTHER INFORMATION
“Kung hindi ko pa gagawin ngayon, kailan pa? Sayang.” Nasa Manila si Roy nang malaman ang tungkol sa PBB auditions, pero dinayo niya pa ang hometown niyang Pangasinan para lang sumubok. Dahil malapit na mag-30 years old, mixed emotions man ay ayaw na niyang palagpasin ang oportunidad na maipakita ang kakayahan niya. Gaya ng paborito niyang X-Men, naniniwala si Roy na marami din siyang talents na pwedeng i-share sa iba. Bukod sa pagkanta, pag-arte at pag-host, hilig din niya ang pagluluto, kaya naman pwedeng-pwede siyang maging taga-luto sa bahay ni Kuya.
“Nakakaalis din ng stress e. Sa akin, okay lang na mauna silang kumain basta matikman ‘yung luto ko. Masaya na ako na panoorin silang nasasarapan sa luto ko.” Handa na si Roy sa kahit anong iharap sa kanya ni Kuya, pwera nalang siguro sa malalaking aso, dahil nakagat siya dati ng aso. Sa simula pa lang, bukas ang isip niya sa mga pagsubok at posibleng pagkakampihan ng mga housemates sa isa’t isa. “This is a competition anyway,” praktikal na sabi ni Roy. Hindi na bago kay Roy ang pakikisama sa iba’t ibang tao. Natural na sa kanya ang mag-motivate ng mga kasama, lalo na ‘yung mga napanghihinaan na ng loob. “Ako ‘yung tipo ng taong pag nakita kita, tatabihan kita, kikilalanin na kita.” Maselan siya sa pagiging maayos at malinis, pero willing to teach naman. “Ayoko ‘yung madumi sa sarili tsaka magulo sa bahay. Baka ako pa mag-aayos, kasi ‘pag nakita ko na-didistract ako e. Sasabihin ko siguro, o halika, turuan kita, ganito lang.”
0 comments:
Post a Comment