Wednesday, November 2

Divine: Darling Dude!


Ang 20-years-old na si Divine ay naglalayong maging mabuting ehemplo sa kabataan ngayon.


Isa siyang tattoo artist sa Cebu na minsan ri’y tumutulong sa kanyang ina sa larangan ng interior design.

Isa ring magaling na atleta si Divine— minsan siyang naging MVP sa basketball at hilig rin niyang mag-wakeboarding. Iniwan man niya ang pormal na pag-aaral sa edad na 17, natanggap naman si Divine sa isang arts school sa San Francisco na kinalauna’y mas pinili niyang tanggihan.

 Nahilig si Divine sa pagguhit, pagsayaw ng hip-hop at minsan ring siya’y naging host ng isang car show sa Cebu. Sanay si Divine makihalubilo sa iba’t ibang klase ng tao, bilang hindi siya napako sa iisang lugar sa kanyang paglaki. Nanirahan na siya sa iba’t ibang bansa tulad ng Singapore at Vietnam, bago tuluyang bumalik sa Cebu, kung saan siya pinaka-matagal nanirahan. Sa ngayon ay may girlfriend si Divine na nakilala nya sa pamamagitan ng kanilang mga mutual friends.

Proud si Diving na tanggap siya ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina. Umaasa siya na balang-araw ay mamulat ang iba pang katulad niya na ang kasarian ay hindi dapat ikahon sa kung ano lamang ang iniisip na tama ng nakararami. Ipinagmamalaki ni Divine ang kanyang pagiging openly lesbian at umaasang maging tanggap ng lipunan ang mga katulad niya. Naninindigan si Divine, “what is meant to be, will be. I am who I am. I am proud of who I am.”

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP