Tuesday, November 1

Kigoy's Love Story bared!



Astig, matapang at puno ng angas. Pinagmalupitan ng pamilya, nabuhay nang mag-isa sa iba’t ibang lugar.


Ito ang buhay ng ating Housemate na si Kigoy. Musmos pa lamang si Kigoy ay nakasanayan na niyang magsuot ng bakya. Ito ang kadalasang nakikita sa kanya ng mga taong kanyang nakakasalamuha. Ang bakyang ito ang natatanging naging saksi sa lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay. Bata pa lamang ay namulat na si Kigoy sa magulo at minsa’y ilegal na pamumuhay ng kanyang ina.

Tunay na minahal si Kigoy ng kanyang ina ngunit hindi nito naiwasang pasukin ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot upang sila ay mabuhay. Ilang taon pa lamang siya nang siya ay iwan ng kanyang ina sa kanyang tiyuhin, kapalit ng kaunting salapi. Naging malupit ang tiyuhin nya sa kanya at ang tangi na lamang nagawa ni Kigoy ay sumandigan sa Panginoon upang mairaos siya sa araw-araw. Nang siya ay tumanda at nagka-isip, hinanap nya sa kung saan-saang lupalop ang kanyang ina, ngunit paulit-ulit rin siyang nabigo. Patuloy siyang naligaw ng landas. Sumali siya sa isang grupo sa pag-asang matutulungan siya upang mairaos ang kanyang pamumuhay.

Natuto si Kigoy magbenta ng cellphone, ngunit pati pagbebenta ng katawan o pambubugaw ay kanya ring pinasok. Naging malapit siya sa mga babae, hanggang sa nakilala niya si Rochelle, ang tanging babaeng nagpatibok ng puso nya. Maging si Rochelle ay napansin ang bakyang suot niya kahit saan man siya magpunta. Isang araw ay nalaman na lamang ni Kigoy na nagdadalang-tao si Rochelle. Nangako si Kigoy na magbabagong-buhay para sa kanyang bagong pamilya ngunit piniling lumayo ni Rochelle at buhayin ang kanilang anak mag-isa.

Masakit man para kay Kigoy ay napilitan siyang tanggapin ang naging desisyon ni Rochelle at panoorin na lamang ang paglaki ng kanyang anak mula sa malayo. Sa kahit anong pagsubok sa buhay ni Kigoy ay hindi nya nakalimutang dumulog sa Panginoon upang siya ay gabayan sa tamang landas. Maliban sa alaala ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay, baon rin ni Kigoy sa loob ng Bahay ni Kuya ang kanyang bakya na magsisilbing paalala sa hirap ng kanyang mga tinahak sa buhay.

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP