Jaz: The Sensual Siren!
Sa likod ng alindog ni Jaz, ay isang babaeng simple lamang ang kinalakihang buhay.
Bunso sa magkakapatid, si Jaz ay lumaki sa piling ng kanyang ama na dealer ng mga dyaryo at sa pagsisikap rin ng ina sa kanilang carinderia.
Dahil simple lamang at hindi naging magarbo ang kanilang pamumuhay, maaga pa lamang ay sinabak na ni Jaz ang larangan ng pagmomodelo na buong-buo namang sinuportahan ng kanyang pamilya. Sanay na rin si Jaz sa pag-aalaga at pagpapanatili ng mahahabang relasyon. Ang kanyang una ay tumagal ng pitong taon, habang ang kanyang kasalukuyang relasyon ay umabot na ng limang taon.
Sa kabila ng tagal nito, aminado si Jaz na hindi pa rin niya nakikita kung ano ang patutunguhan ng kanilang relasyon. Mahanap kaya ni Jaz ang sagot sa kanyang mga katanungan tungkol sa kanilang relasyon sa loob ng Bahay ni Kuya?
0 comments:
Post a Comment