Friday, November 4

Luz: Mom of Steel ng Muntinlupa


Mukha mang brusko sa paningin, ang Mom of Steel na si Luz ay hindi lamang isang tigasing Eba ngunit isa rin mapagmahal na ina at mapagkalingang asawa.

Sumali si Luz sa PBB na may isang mahalagang misyon: ang malaman ng Pilipinas na isa siyang tunay na babae.

Lumaki sa hirap kasama ang kanyang walong kapatid, si Luz ay maagang natutong magbanat ng buto para mapag-aral ang sarili. Sa katunayan, nakuha niyang makapagtapos ng elementary at high school sa pagtitinda ng goto, sigarilyo at itlog sa Alabang.

Upang mairaos naman ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo ay pinasok naman niya ang pagiging isang waitress sa iba’t ibang mga restaurant. Nahilig si Luz sa pagpapanatili ng kanyang overall fitness at ito nga’y nagbunga sa kanyang pagkapanalo sa iba’t ibang bodybuilding competitions sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ang pinakahuli niyang karangalang nauwi ay ang kanyang pagkapanalo sa isang competition sa Las Vegas. Sunod na kaya niyang maiuwi ang karangalan na matawag na Grand Winner ng PBB?

0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP