Kuya cannot understand Seichang, Pamu translator!
Pinatawag ni Kuya si Seichang sa Confession Room.
Sinubukan makipagkwentuhan ni Kuya kay Seichang, pero di sila magkaintindihan. Kaya pinatawag si Pamu para maging translator. Dahil mali-mali din ang translation ni Pamu at nauubusan ito ng ingles, mas hindi sila nagkaintindihan. Ang gulo nila sa confession room. Lalo pa nang tanungin ni Kuya si Seichang kung sino type nito sa mga girls at sumagot ito na si Pamu ang pinakamaganda para sa kanya.
Nag-react naman si Kigoy at umamin na nagseselos siya dahil parang may balak siyang ligawan si Pamu paglabas ng bahay.
0 comments:
Post a Comment