Thursday, November 3

Kevin and Divine water challenge, convey message in Tagalog!


Pinatawag ni Kuya si Kevin at Divine na parehong hindi nakakaintindi ng Tagalog sa panibagong challenge para magkaroon sila ng tubig ulit!


Binigyan n'y a ng instruction ang dalawa na sabihin sa mga House mate ang panibagong challenge sa Tagalog.



Ang challenge ay magso-shoot ang bawat isang Housemate ng paharap at pag naka shoot bibigyan ni Kuya ng isang tabong tubig ang naka shoot na Housemate.Pero pag-nakatalikod at na i-shoot ang bola isang balde naman ang kapalit.Magagawa lamang ito pag naipaliwanag nilang dalawa ng maayos sa mga Housemate ang instructions sa Tagalog.

Lumabas na sila Kevin at Divine at nagsalita sa Tagalog, pero mukhang hindi ata naintindihan ng Housemates kaya ipinatawag sila Seichang at Carlo na hindi rin marunong mag Tagalog!

Sa tulong nilang apat ay nagkaintindihan din silang mga Housemates!

Silang lahat ay sumubok na mag shoot na patalikod pero ang nag iisang mapalad na naka-shoot ay si Jaz, na nanalo ng isang timbang tubig. At ang sabi n'ya pagkatapos maligo kay Kuya: "Masarap, Malinis."

Iyong ibang mga Housemate ay kinalimutan na lang ang lahat sat nag fashion show na lamang sa loob ng bahay para sumaya sa harap ng Salamin.

Tinuruan naman ni Jaz at Paco si Kevin ng 'Gayspeak', tulad ng "Echosera", "Poorita Coralles","Keribels" atbpa.

Sabi ni Kevin na natatawa sa natutunan: "Why do they sound so close to names?"

Si Biggel naman ay nakatuwaan ng girls at nilagyan ng kwintas at hikaw at nag ala bading din. Na ikinatuwa naman ng mga Housemates.

Si Kigoy ay nagpaturo ng Japanese kay Seichang.


0 comments:

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Big Brother" Double Up, updates and happenings sa bahay ni Kuya!

Disclaimer

All images and videos that appear on the site are Copyright of their respective owners.Pinoy Big Brother: Double Up!claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger template Starry by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP