Roy: Sales Lakay ng Pangasinan!
Sa edad na 29, maituturing na hari na ng pagbebenta at networking ang Sales Lakay ng Pangasinan na si Roy.
Kahit na piso lamang ang kanyang naging baon sa araw-araw na pagpasok sa school, nakuha pa rin ni Roy na maka-graduate bilang Valedictorian sa elementary. Di naging hadlang ang nakagisnang kahirapan sa pagkamit ng kanyang mga pangarap, si Roy ngayon ang maituturing na breadwinner sa kanyang pamilya.
Sa edad na 23 ay nakabili na siya ng sariling kotse at sa kasalukuyan ay nakabili na rin siya ng kanyang sariling tirahan. Sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya, isa na namang panibagong goal ang kahaharapin ni Roy. Makamit kaya ni Roy ang inaasam niyang tagumpay?
0 comments:
Post a Comment